Para di kumalat monkeypox sa PH, Digong ipapapatay lahat ng unggoy

NAGBIRO si Pangulong Duterte na ipapapatay ang lahat ng unggoy sakaling magkaroon ng kaso ng monkeypox sa bansa.


“Sana ‘wag kasi patay lahat ng unggoy dito pagkaganoon, mass execution,” ani Duterte.


Sa kasalukuyan ay mayroon nang kumpirmadong mga kaso ng monkeypox sa 12 bansa.


Sinabi ni Health Undersecretary Abdullah Dumama Jr. na kabilang sa mga may kumpirmadong kaso ng monkeypox ang siyam na bansa sa Europe, US Canada at Australia.


“Ating pagtitibayin ang screening process sa ating mga borders upang maiwasan ang pagpasok ng monkeypox sa bansa. Atin din pong hinihimok ang mahigit — ang mahigpit na pagsunod sa ating minimum public health standards,” ani Dumama.