Pacquiao bibigyan ng P50K pamilya ng namatay sa C-130 crash


MAGBIBIGAY si Sen. Manny Pacquiao ng tig-P50,000 sa pamilya ng mga sundalo at sibiliyan na nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane ng militar sa Patikul, Sulu.


Binigyan din ng boxing champ ng P20,000 ang mga nasugatan sa insidente.


“Bilang tulong sa aking mga kapatid sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at mga sibilyang naging biktima ng C-130 crash sa Patikul, Sulu, magbibigay ako mula sa aking personal na pondo,” pahayag ni Pacquiao.


“Kasama po ako ng sambayanan sa panalangin para ating mga bayaning nasawi at para sa agarang paggaling ng mga sugatan,” dagdag nito.


Aabot sa 50 katao ang namatay sa insidente nitong Linggo. –A. Mae Rodriguez