Kris, Leni namigay ng ayuda sa ‘Odette’ victims

MAGKASAMANG namahagi ng relief goods sina Kris Aquino at Vice President Leni Robredo sa Kabankalan City, Negros Occidental na isa sa malubhang nasalanta ng bagyong Odette.

Maliban sa Kabankalan, nagtungo rin ang kanilang grupo sa Himaymalay City.

Kasamang lumipad patungong Visayas ni Kris ang fiance niyang si dating Interior Secretary Mel Sarmiento.

Ayon kay Kris, ang mga ipinamigay niyang tulong ay mula sa sariling bulsa at sa mga kinalampag niyang sponsors gaya ng Puregold, S&R, at SM Supermalls.

“God bless the Philippines during yet another crisis. Sana wag tayong mawalan ng pag-asa dahil pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi tayo pababayaan ng magbi-birthday sa Dec 25,” sabi ng Queen of All Media.