Okra: Gulay nga ba o prutas?

KARAMIHAN sa mga Pinoy, ang alam ay gulay talaga ang okra, pero may nagsasabing prutas daw ito.

E, kahit ano pa man siya, gulay o prutas, malaki ang pakinabang ng okra.

Punong-puno ng nutrisyon ang okra at mababa ang calories nito.

Mataas sa Vitamin C at K na makakatulong para suportahan ang iyong immune system.

Panlaban din ito sa cancer at malaking tulong para makontrol ang blood sugar.

At ang Polyphenols na tinataglay nito ay nakakapagpababa ng risk na magkaroon ng heart problem at stroke.

Malaking tulong din ito sa mga buntis na kailangan ng folate at fiber.