400 preso sa Pasay may sintomas ng TB

MAHIGIT 400 persons deprived of liberty (PDL) sa Pasay City Jail ang nakitaan ng sintomas ng tuberculosis o TB.

Ayon sa ulat, nakita ang mga sintomas sa resulta ng X-ray bagaman hindi pa kumpirmado ang findings.

Inihiwalay na ang mga ito at muli silang susuriin ngayong araw upang madetermina kung positibo sila sa sakit.