Vice Ganda inendorso si Leni pero hindi si Kiko

NAG-APPEAR kagabi sa grand birthday rally ni Vice President Leni Robredo si Vice Ganda at inendorso ang kandidatura nito sa pagkapangulo sa darating na May 9 elections.

Tanging kamay lang ni Robredo ang itinaas ni Vice nang umakyat ito sa stage suot ang campy pink pantsuit na may train na kilometro ang haba at doon nakasulat ang pangalan ng bise presidente.

“Ang regalo ko sa sambayanang Pilipino ay ang boto ko kay Leni Robredo. Sa gabing ito, opisyal kong ineendorso ang susunod na pangulo ng Republika ng Pilipinas, si Leni Robredo!” sigaw ni Vice sa harap ng may 400,000 kataong dumalo sa taya ng mga organizer.

Dedma naman si Vice nang humirit ang mga tao na iendorso rin ang running mate ni Robredo na si Pangilinan.