Sara Duterte una pa rin sa latest survey ng Pulse Asia

NAPANATILI ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kanyang lead sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, at lalo pa itong lumayo sa sumusunod sa kanya na si Senate President Vicente Sotto III.

Sa survey na ginawa mula Abril 16 hanggang 21, nakakuha si Duterte ng 55 percent voter preference, mas mababa ng isang punto sa survey na ginawa noong Marso.

Bumaba rin ang pumapangalawang si Sotto, mula sa dating 2o percent, nakakuha lamang ito ng 18 percent.

Isang punto naman ang itinaas ni Senador Kiko Pangilinan, na nasa ikatlong pwesto. Mula sa 15 percent noong Marso, nakakuha ito ngayon ng 16 percent.