Sara Duterte tatakbong VP

PORMAL nang inihain ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang kandidatura bilang vice president sa ilalim ng Lakas-CMD.

Ito ay matapos niyang palitan si Lyle Uy na siyang unang nag-file ng kandidatura bilang vice president sa nasabing partido.

Ayon kay Commission on Elections, ang abogadong si Reynold Munsayac ang nagsumite ng COC ni Duterte, dalawang araw bago ang November 15, 2021 deadline ng substitution ng mga magsisitakbo para sa 2022 elections.

Maraming netizens ang natuwa sa naging desisyon ni Duterte. Marami rin ang nagsabi na ito umano ang magiging daan para sa Bongbong Marcos- Sara Duterte tandem.