Ping, Tito Sen walang atrasan

KLINARO ni presidential aspirant Sen. Panfilo Lacson na walang katotohanan ang usap-usapan na iaatras na niya at ng ka-tandem na si Senate President Vicente Sotto III ang kanilang kandidatura.


Ito ang reaksyon ni Lacson sa kumakalat na video sa YouTube.


Base sa video na pinost ng Showbiz Fanaticz, aatras ang dalawa at susuportahan na lamang sina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate Davao City Mayo Sara Duterte-Carpio.


“Don’t believe that fake news. The only time we will withdraw is on May 9, and it’s either because we’re heading toward Malacañang or heading home,” giit ni Lacson. –A. Mae Rodriguez