Kiray sa BF: Thank you for loving my family

NA-TOUCH nang todo ang komedyanang si Kiray Celis sa ipinakikita na kabaitan ng boyfriend na si Stephan Estopia sa kanyang pamilya.


“Appreciation post para sa jowa ko na grabe magmahal sakin at sa pamilya ko,” ani Kiray sa Instagram post.
Sabi ni Kiray, sobra ang effort ni Stephan sa kanyang mga magulang.


“Last week, sinamahan mo ako na ipa-check up si mama sa hospital tapos kahapon since asa taping ako, sinamahan mo naman si papa para dalin ulit si mama para mai-confine na siya sa hospital,” aniya.


Samantala, humingi ng dasal sa publiko si Kiray para sa kanyang ina na nasa ospital pa rin. –A. Mae Rodriguez