Payo ni Digong kay Harry: Para manalo, lose weight

PINAYUHAN ni Pangulong Duterte si senatorial candidate Harry Roque para masiguro ang panalo nito sa halalan sa susunod na buwan.

Ayon kay Duterte, kailangang magbawas ng timbang si Roque.

“Kung lumiit ang tiyan mo, talagang boboto sila sa iyo,” aniya.

Pero maliban dito naniniwala ang Pangulo na “sayang kung wala si Roque sa Senado.”

Iniisa-isa ni Duterte ang mga katangian ng kanyang dating tagapagsalita.

“Mahusay, malikot ang utak, malikot ang bunganga. But, he’s really one of the few international lawyer, UP ito, Bar topnotcher at marunong talaga,” ani Duterte.

“Nung naging spokesman… always correct, minsan nasobrahan pagka-bright, ma-prinsipyo na tao. Sayang kung wala ito sa Senado,” dagdag ng Pangulo.