Palasyo pinawi duda sa May 9 elections

TINIYAK ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na ginagawa ng gobyerno ang lahat para matiyak na magiging malinis at mapayapa ang eleksyon sa Mayo.

Ito’y sa harap naman ng pangamba ng ilang senador na nakompromiso ang mga vote counting machine na gagamitin sa automated election.

“President Duterte will do everything to ensure clean, fair, and honest elections,” sabi ni Andanar.

Nauna nang nagpahayag ng pagkabahala sina vice presidential candidate at Senate president Vicente Sotto III at Senador Imee Marcos s sa umano’y security breach ng Smartmatic, na siyang software provider ng Commission on Elections.