Pacquiao open sa MaSo tandem

BUKAS si Sen. Manny Pacquiao sa posibilidad na tambalang Manny-Sotto, sakaling umatras ang kanyang vice presidential running mate na si Butil partylist Rep. Lito Atienza dahil sa kanyang problema sa binti.

Idinagdag ni Pacquiao na bago pa ang kampanya nagpahayag na si Atienza na pabor siya na pumalit sa kanya si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tumatakbo bilang ka-tandem ni sa Senator Panfilo Lacson.

“Wala naman kaming problema ni Congressman Lito Atienza at sabi naman ng aking ka-tandem na kung may mapili man siya na kung sakaling hindi niya kaya ay gusto niya si Sotto na pwedeng dalhin as VP,” sabi ni Pacquiao.

Iginiit naman ni Pacquiao na hindi pa ito pinal dahil kampante siyang makababalik pa rin si Atienza sa kampanya.

“Abangan niyo na lang yung mga susunod na kabanata kapag nakapag-usap na kami. Hindi pa kami nagkakapag-usap kaya sabi ko abangan niyo,” dagdag ni Pacquiao kaugnay ng pagpupulong nila nina Sotto at Atienza.

“Basta mag-uusap lang kami. Depende na kung ano yung pag-uusapan namin. About sa buhay, about sa politics,” aniya.