(Im)pasyong Bobotante (Basahin ayon sa alam na tono ng pasyon)

Lagi ngayon nakikita
Asaran sa social media
Bawat grupo ng suporta
May bansag na pang-alaska
Sa pangalang pambalota.

Nang patayin mga adik,
Nagpakana humagikgik,
Naulila’y tumatangis,
Tax evader, gumagamit
Napangiwi ang COMELEC.

Iboto natin si Gadon
Pagkat siya’y isang kampon
Sigaw, “bobo!” sabay talon,
Galing bunganga ng ulol,
Parang hayop kutis-balbon.

Dumadagsa ang kakampink
Sa kampanya na pang-honest
Ng eleksyong pampresident,
Insecure ang I.Q. lowest
Kandidatong kapwa burgis.