Marcos Jr.: Ako ang biktima ng fake news

IGINIIT ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. biktima siya ng fake news.

“Para sa akin, ako ang nabibiktima ng fake news. Dahil ang dami-daming sinasabi sa akin na di naman talaga totoo,” sinabi ni Marcos.

Kinuwestyon niya rin ang mga sinasabing fact-checker na ayon sa kanya ay pawang mga one-sided.

“Meron naman tayong tinatawag na fact-checker pero yung mga fact-checker naman kung minsan ay may sariling agenda. Kaya’t finafact-check lang nila yung one side of the story, yung kabila hindi nila ginagawa,” sinabi pa ni Marcos.