GMA suportado senatorial bid ni ex-VP Binay

SUPORTADO ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang kandidatura ni dating Vice President Jejomar Binay.

Kasama ni Binay si Arroyo na nag-ikot sa palengke ng Angeles Market at Sa Fernando Public Market sa Pampanga, ang balwarte ng dating pangulo. Kasama rin nila sa pangangampanya ang maraming lokal na opisyal.

Bukod kay Arroyo, nakatanggap din ng suporta si Binay mula sa Makabayan bloc, ang progresibong grupo na kinabibilangan ng mga miyembro sa Kamara.

Kabilang si Binay bilang guest candidate ng mga presidential candidates na sina Vice President Leni Robredo, Senador Manny Pacquiao at Senador Ping Lacson. Inendorso rin siya ni Davao City Mayor Sara Duterte, katandem ni dating Senador Bongbong Marcos Jr.

Nagpasalamat naman si Binay sa suportang kanyang natatanggap.

Consistent si Binay na pasok sa magic 12 sa mga survey.