Digong kay Sara: Noon ayaw, tapos ngayon kandidatong VP

BAGAMAT sinabing iboboto si Davao City Mayor Sara Duterte, bumanat na naman si Pangulong Duterte sa anak sa pagtakbo nito bilang bise presidente.

“Kagaya ng anak ko, ‘yung babae, si Inday. Noon ayaw, ngayon kandidato na ng vice president. Hindi ko maintindihan. Noon na pinapatakbo ko ng president (ayaw)…” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Butuan City.

Idinagdag ni Duterte na ganito rin ang ginawa ni Sara nang kanyang patakbuhin bilang mayor ng Davao City, na noong una ay aayaw-ayaw rin.

“Mayor kasi paalis ako, that was the time that I was the vice mayor, sabi niya, “ayaw ko, ayaw ko, si Pulong na lang.” Ngayong nakatikim ng — I don’t know nakatikim siguro ng magandang puwesto, mayor ka kasi so ngayon tumakbo ng vice president. Hindi kami nag-uusap pero of course I support my daughter,” dagdag ni Duterte.