Billy Crawford: Isko ako!

ISINAPUBLIKO ni TV host-actor Billy Crawford na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang iboboto niyang kandidato bilang pangulo sa Mayo.

Sa Instagram, inihayag ni Billy na si Isko, dati niyang kasama sa youth-oriented show na

“That’s Entertainment,” ang kanyang presidente dahil makamasa ito.

Ani Billy:

“I wanted to make my own stand in this coming election. Gusto ko ng pagbabago hindi lang sa salita, pati na rin sa gawa.

“Kailangan natin ng simpleng gobyerno para sa ikauunlad ng bawat Pilipino.

“Kailangan natin ng lider na kayang humarap sa anumang pagsubok.

“Lider na kayang punan ang pangangailangan ng mga mahihirap.

“Lider na sa tingin ko nagpapahalaga sa edukasyon at lider na kailangang ipaglaban ang ating bayan.

“Kaya ako sa darating na Mayo masasabi ko, Isko ako.”