Rufa Mae nag-appear sa rally ni Bongbong-Sara

NAG-TRENDING ang aktres na si Rufa Mae Quinto matapost itong mag-appear sa UniTeam stage para ikampanya ang mag-tandem na sina dating Senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte sa rally ng mga ito ngayong Martes sa Zamboanga City.

Ikinasiya ang mga taga Zamboanga City sa mga kwelang stage act ni Rufa Mae na kilala rin sa tawag na Booba nang humarap ito sa mga tagasuporta ng UniTeam sa isinagawang rally sa Universidad de Zamboanga’s Summit Center.

Bukod kay Rufa Mae, lantarin din ang pagsuporta ng mga celebrity na sina Toni Gonzaga, Dulce, Randy Santiago, Andrew E at iba pa.