Balwarte ng mga Aquino sinuyo ni Marcos

MAINIT na tinanggap ng mga taga-Tarlac, balwarte ng mga Aquino, nitong Sabado ang tambalang Bongbong Marcos Jr at Sara Duterte matapos isagawa ang kanilang rally.

Ang sinasabing “mini-rally” ay nauwi sa malaking pagsalubong ng mga taga-Tarlac na tinaguriang “yellow country”.

Bago ito ay naging usap-usapan sa social media ang ginawang pagtakip ng tolda at tarpaulin sa rebulto ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr. sa venue ng Uniteam grand rally sa Tarlac City.

Umani nang kaliwa’t kanang pagbatiko ang ginawa ng kampo ni Marcos.