Walang balikang Barbie-Diego

NILINAW ng aktres na si Barbie Imperial na hindi sila nagkabalikan ng ex niyang si Diego Loyzaga.

Pero chika niya, friends naman silang dalawa sa kabila ng break up.

“Hindi naman po kami magkaaway pero hindi naman po kami nagbalikan,” chika niya sa isang morning talk show.

“Friends lang, friends… Kulitan lang.”

Okay na okay naman ngayon sa Barbie, ilang buwan matapos ang kanilang hiwalayan.

“Ngayon po, siyempre sobrang happy na talaga ako. Finally, after three months ng breakup namin, I’m okay na,” sey niya.