Lahat ng guro mababakunahan sa Agosto – Galvez

TINIYAK ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na mababakunahan ang lahat ng mga guro sa darating na Agosto.

“Iyon po ang aming commitment kay Secretary Liling, na before end of August, ‘yung mga teachers po ay mabakunahan po natin,” report ni Galvez sa lingguhan Talk to the People ni Pangulong Duterte na iniere Lunes ng gabi.

Idinagdag ni Galvez na inaasahang mababakuhan ang 1.8 milyong kawani ng gobyerno at 2.2 milyong mga overseas Filipino workers.

“Gusto na rin na po tapusin natin po ‘yung pagbabakuna sa ating mga security sector, lalong-lalo na po pati ‘yung OFWs, pati ‘yung teacher kasi napagkayarian na po natin sa IATF (Inter-Agency Task Force) na kung just in case talagang magkakaroon tayo ng open face-to-face sa ating — sa ating education, kailangan po ‘yung lahat ng teachers ay mabakunahan po,” ayon pa kay Galvez.