Hotel sa Makati nag-sorry dahil sa quarantine violator

HUMINGI na ng paumanhin ang Berjaya Hotel sa Makati matapos hindi nito napigilan ang isang babaeng balikbayan na naka-quarantine ngunit lumabas ng hotel.

“The management sincerely apologizes for failing to stop the guest from jumping her quarantine,” ayon sa hotel.

Hirit pa ng hotel, unang pagkakataon itong nangyari sa loob ng halos dalawang taon na nagsilbi ang establisimyento bilang quarantine facility.

“We can only make up for it by being an exemplar of compliance moving forward,” dagdag pa nito.

Nangako naman ang management na makikipagtulungan ito sa mga awtoridad para sa ginagawang imbestigasyon.

Kamakailan ay tumakas sa quarantine ang balikbayan na si Gwyneth Anne Chua mula Los Angeles, California para mag-party sa isang bar sa Poblacion, Makati. Covid-19 positive si Chua at nakahawa sa mga nakasalamuha nito.