Gordon: Magpabakuna, ‘wag kang tanga!

TINAWAG na tanga ni Sen. Richard Gordon ang mga Pilipino na ayaw magpabakuna kontra-Covid-19.


“Kailangan talaga magpabakuna kayo. Bawal ang tanga. Kung di kayo magpapabakuna, doon na lang kayo sa bahay habambuhay at huwag kayong lalabas,” aniya sa isang panayam.


“Kailangan gampanan n’yo ang tungkulin n’yo sa inyong sarili at kamag-anak sa bahay n’yo. I’m not going to pull any punches. Bawal ang tanga, bawal ang tamad, magpabakuna kayo,” dagdag niya.


Ginawa ni Gordon ang pahayag dahil nasa 1.2 milyong Pilipino pa lamang ang nakakumpleto ng bakuna.


“Kung gusto talagang guminhawa– walang excuse, walang ek-ek. Pumunta kayo (sa vaccine site), kung kailangang maglakad, magpabakuna. Nandiyan na ‘yung bakuna, kailangan pa bang iluhod sa inyo ‘yan?” dagdag niya.