Fully vaxxed na mayor ng Angeles City nadale ng COVID

NAGPOSITIBO sa coronavirus disease si Angeles City Mayor Carmelo Lazatin Jr. sakabila nang pagiging fully vaccinated nito laban sa virus.

Kinuha ng ospital ang alkalde mula sa bahay nito matapos magbpositibo Miyerkules. Ngayon ay naka-confine ito sa Sacred Heart Medical Center.

Inabisuhan naman ng city hall ang mga residente na patuloy na gagampanan ng alkalde ang trabaho nito habang naka quarantine.

Samantala, patuloy na pinaiiral sa lalawigan ng Pampanga ang granular lockdowns sa mga lugar na may mataas na kaso ng impeksyon.