Angara walang balak tumakbong VP

WALA umano sa plano ni Senador Sonny Angara na tumakbo sa pagka bise presidente sa 2022 elections.

Ito ang iginiit ni Angara matapos banggitin ni Davao City Mayor Sara Duterte na isa siya sa mga nais ng ilang grupo na maging runningmate ng presidential daughter sa darating na eleksyon.

“No plans as busy din kami dito sa trabaho namin sa Senado at sa pagtulong sa paghanap ng mga solusyon dito sa pandemya,” giit ni Angara.

Isang malaking karangalan naman umano ito sa senador na mabanggit sa nasabing posisyon.

“But as I’ve said before, it’s an honor to even be mentioned for these positions, malaking karangalan na mabanggit lang dito sa usap usapan na ito,” pahayag ni Angara.

Samantala, ibinunyag naman ng Davao City mayor na nag-volunteer sina Senador Christoper “Bong” Go at Senador Sherwin “Win” Gatchalian na maging running mate nito.

Subalit wala pang komento si Go at Gatchalian ukol dito.