Duterte umaasang ‘merry’ ang Christmas

HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa si Pangulong Duterte na magkakaroon ng isang ‘merry Christmas” ang mga Pilipino ngayon na patuloy na bumaba ang kaso ng COVID-19.

“If we continue to ramp up the vaccination of our people, along with our consistent practice of mask…huwag pa rin ninyong tanggalin…hugas at iwas, and may the gradual resumption of our economic activities, then we can hope for a better and truly merry Christmas,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People.

Ayon kay Duterte, umaabot na lamang sa 10,000 ang mga kaso ng Covid-19 sa bansa kada araw at nasa 77 porsiyento na lamang ang ang reproduction rate.

“Kung nasusunod — well, ah magtanong kayo kung bakit, dahil sa bakuna, dahil sa bakuna bumaba talaga ang hawaan. So kakaunti ang hawaan kasi kakaunti naman ‘yung tao na hindi nabakunahan,” ayon pa kay Duterte.