Wedding bells na nga ba para kay Dennis, Jennylyn?

TULOY na kayang magiging official Mrs. Dennis Trillo na si Jennylyn Mercado?

Ito ay matapos i-chika ng entertainment columnist na si Lolit Solis na hiningi na ng aktor ang kamay ni Jennylyn.

Sa isang post sa social media, pinakawalan ni Solis ang chika at sinabi na: “Jennylyn deserves the love and care ng tao na mahal niya na, pinagkakatiwalaan niya.”

“Happy days for Jennylyn Mercado and Dennis Trillo. Best wishes sa tatahakin nilang bagong buhay. A round of applause for their happiness,” dagdag pa ni Solis.

Wala pang kumpirmasyon mula sa couple bagamat ni-like ito ni Dennis.