50K doses ng Sputnik V dumating

DUMATING Linggo ng gabi ang 50,000 doses ng Sputnik V na galing Russia sakay ng Qatar Airways Flight QR928 at lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Dinala ang mga bakuna sa storage facility sa Marikina City na may temperaturang -18 degrees Celsius.

Ang mga bakuna ay “component 2” ng mga nakatanggap na ng unang dose ng Sputnik V noong 1 Mayo.