Sara, Bongbong, Imee nag-lunch: Duterte-Marcos sa 2022 elections?

KINUMPIRMA ni Davao City Mayor Sara Duterte na kasama niyang nananghalian noong Linggo sina Sen. Imee Marcos at kapatid nitong si dating Sen. Bongbong Marcos.


Tumanggi namang sabihin ni Duterte kung ano ang pinag-usapan nila habang nanananghalian.


“I confirm the picture taken (Saturday) here in Davao City,” ayon sa alkalde. “I would like to thank Senator Imee and former Senator Bongbong Marcos for their birthday greetings, and my husband for the lunch he hosted.”


Hindi rin inihayag ni Duterte, na ilang beses na sinabing hindi siya tatakbo bilang pangulo sa 2022 elections, kung nagbago na ang kanyang isip at kung gagawin niyang running-mate si Bongbong.


Tumakbo at natalo bilang bise presidente si Bongbong noong 2016 elections