4 madre todas sa Covid-19

NASA apat na ang bilang ng mga namamatay na madre ng Carmelite Monastery and Convent sa La Paz, Iloilo City dahil sa Covid-19.


Namatay ang ikaapat na madre nitong Martes, ayon sa ulat.


Bago ito, nasawi noong Hulyo 31 ang unang madre ng monasteryo at sinundan ng ikalawa at ikatlo noong Agosto 3 at 9.


Napag-alaman na umabot sa 24 madre ng Carmelite Monastery and Convent ang nadale ng Covid-19. Pito ay itinuring na critical cases dahil pawang senior citizens ang mga ito.


Hanggang sa kasalukuyan ay naka-lockdown ang monasteryo.