Pinoy nurse namigay ng facemask sa New York, binugbog

BINUGBOG ang isang nurse na Pinay sa New York habang namimigay ng libreng face mask sa mga pasahero ng subway.


Nagtamo ang biktimang si Potri Ranka Manis ng mga sugat sa mukha at katawan makaraang pagtulungan ng dalawa katao na tumanggi sa ibinibigay niyang mask.


Ninakaw din umano ng mga suspek ang kanyang cellphone bago tumakas.


Ayon kay Manis, habang binubugbog siya ay kung ano-anong racist na salita ang ipinupukol sa kanya ng dalawa.


Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek.