1M doses ng Pfizer para sa edad 5-11 dumating sa bansa

DUMATING Miyerkoles ng gabi ang kabuuang 1,056,000 doses ng Pfizer para sa edad lima hanggang 11 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Kasabay nito, tinanggap din ng pamahalaan ang regulad na 128,700 doses ng Pfizer.

Sa kabuuan, umabot na sa 233,858,010 doses ng iba’t ibang bakuna kontra coronavirus disease ang dumating.

Sisimulan naman ngayong Huwebes ang tatlong araw na National Vaccination Day na tatagal hanggang Marso 12.

Target nito na mabakunahan ang 1.8 milyong indibidwal sa harap ng pagbagal ng vaccination sa bansa.

Base sa datos nasa 10,616,590 pa lang nag tumanggap ng booster shots, o 14.71% ng 72.16 milyong target ngayong taon.