Meralco magtataas ng singil sa kuryente

INABISUHAN na ng Manila Electric Co. (Meralco) ang mga kostumer nito na magtataas ng singil sa kuryente ngayong Marso bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Hinihintay na lamang ng Meralco ang final billing mula sa kanilang mga suppliers bago sila makapagpatupad ng rate hike, ayon sa spokesman at vice president nito for corporate communications na si Joe Zaldarriaga.

“We are still waiting for all the final billings from our suppliers to come in pero base sa initial indications, pagkatapos ng dalawang magkasunod na buwan ng bawas-singil ay posibleng magkaroon ng pagtaas sa bills ngayong Marso,” ayon kay Zaldarriaga sa report ng GMA 7.