SRP na P250/kilo sa sibuyas pinababantayan ni BBM

INATASAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang Department of Trade and Industry (DTI) na tiyakin na masusunod ang P250 kada kilo na suggested retail price (SRP) sa pulang sibuyas sa harap ng pagpalo ng presyo sa P720 kada kilo.

“We will stick firmly to the recommended price. The DTI will continue to monitor,” sabi ni Marcos.

Nakatakdang ipatupad ngayong araw, Disyembre 30, ng Department of Agriculture (DA) ang P250 kada kilo SRP sa sibuyas na tatagal hanggang unang linggo ng Enero.