Skyway3 maniningil na simula Hulyo 12

SIMULA sa July 12 ay maniningil na ang San Miguel Corporation ng toll sa Skyway Stage 3.

Ito ang sinabi ni San Miguel President and COO Ramon S Ang matapos aprubahan ng Toll Regulatory Board ang revised toll matrix na isinumite ng korporasyon.

Ayon kay Ang, inaprubahan ang bagong toll matrix na mas mababa sa nauna nitong proposal, partikular na ang toll sa mga shorter trip.

Nauna nang ipinanukala ng SMC na maningil mula P110 hanggang P274.

Ayon kay Ang, ipapaskil nila ang toll rates sa mga toll plaza bago pa ipatupad ang koleksyon sa mga susunod na araw.

Naniniwala si Ang na ang bagong toll rates ay makatutulong para sa mas magandang operasyon ng Skyway para higit na mapaghusay at ligtas ang byahe sa nasabing elevated highway.