Dalagita naghanap ng signal, ginilitan

PATAY na nang matagpuan ang dalagita na umalis ng bahay para maghanap ng cellphone signal sa Albuera, Leyte.


Nadiskubre ang katawan ng biktima sa mga kakahuyan ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan sa Brgy. Poblacion noong Biyernes.


Ginilitan ang biktima at inaalam pa ng mga imbestigador kung ginahasa ito.


Ayon sa ulat, lumabas ng bahay Huwebes ng umaga ang dalagita para umano maghanap ng signal kasama ang kuya niya.


Umalis saglit ang kapatid pero pagbalik nito ay wala na sa lugar ang biktima.
Kinabukasan pa natagpuan ang bangkay ng dalagita.


Sumurender sa pulisya ang di-pinangalanang suspek. Kakasuhan ito ng murder.