Presyo ng petrolyo bababa

MAGPAPATUPAD ng price rollback ang mga kompanya nga langis ngayong darating na linggo.

Base sa pagtaya, aabot ang rolbak sa diesel mula P3 hanggang P3.30 kada litro, samantalang inaasahan ang 60 hanggang 90 sentimo ang ibababa ng presyo ng kada litrong gasolin.

Samantala, sa hiwalay na abiso, sinabi ng Unioil na posibleng bumaba ang diesel sa kanila mula P2.90 hanggang P3.00 kada litro at 40 hanggang 60 sentimo naman sa kada litro ng gasolina.