Paslit pinagsamantalahan ng utol, pinsan, tiyo

HIMAS-REHAS ang isang 19-anyos na lalaki dahil sa umano’y panggagahasa niya at dalawa pang kamag-anak sa kanyang pitong-taong-gulang na kapatid.


Nasakote ang suspek sa kanyang pinagtatrabahuhan nitong Martes habang tinutugis na ng pulisya ang kanyang pinsan at tiyuhin.


Todo-tanggi naman ang suspek sa akusasyon.


“Wala ako nang mangyari ang krimen. Nasa Maynila po,” aniya.


Ayon sa ulat, inireklamo ng biktima ang kapatid, pinsan at tiyuhin na gumahasa sa kanya sa kanilang bahay sa Marikina.


Hindi naman binanggit sa ulat kung isang beses lang naganap ang krimen.