Tone-toneladang bangkulis, nalambat sa Albay

TONE-TONELADANG isdang bangkulis ang nahuli ng mga mangingisda at residente sa Ligao, Albay.


Sa viral video, mapapanood ang mga taga-Brgy. Catburawan na hindi magkamayaw sa pagkuha ng isda.


Tumulong pa ang mga ito sa paghila ng mga lambat na puno ng bangkulis.


Sagana ang dagat sa naturang barangay sa isdang dilis, na nagsisilbing pagkain ng mga bangkulis.