P8.5M ecstasy nasamsam sa Las Piñas

ARESTADO ang isang babae matapos itong makuhaan ng P8.5 milyong halaga ng hinihinalang party drug na ecstasy sa isinagawang operasyon sa Las Piñas nitong Martes.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency, inaresto si Ana Fe Morilla, residente ng CAA Phase 2, Las Piñas, matapos makuha sa kanya ang 4,790 tableta ng ecstasy.

Idiniliver kay Morilla ang nasabing party drugs matapos itong dumating sa Port of Clark mula sa Belgium noong Disyembre 3 at deklaradong “lamp”.