Malabon rape-slay suspect timbog

SHOOT sa kulungan ang lalaki na itinuturong gumahasa at pumatay sa isang babae sa Malabon City nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, nadakip sa Malolos, Bulacan ang hindi kinilalang suspek.

Maliban sa biktima, na walang saplot pang-ibaba nang madiskubre, pinatay rin ng salarin ang alagang aso nito.

Napag-alaman na nagtungo sa bahay ng biktima ang kanyang kasintahan nang hindi ito sumasagot sa tawag at text.

Nang silipin ang loob ng buhay, nakita ng lalaki na duguang nakahandusay ang biktima.

Wala namang nakitang forced entry ang mga imbestigador bagaman magulo ang bahay dahil nanlaban umano ang biktima.

Nahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.