Kagat ng aso isinikreto, bata patay sa rabies


NASAWI sa rabies ang 11-anyos na bata na nakagat ng tuta kamakailan.


Nakumpirma lamang ang ikinamatay ng biktimang si Paul Amber Bantillo sa kanyang burol.


Ayon sa ama niyang si Lito, ilang araw nilang napapansin na matamlay at mahinang kumain ang anak. Hindi rin ito uminom ng tubig at ilang beses na nagsuka.


Nang ma-lock jaw ang paslit ay itinakbo na nila ito sa ospital.


Hindii na naisalba ng mga doktor ang buhay ang bata.

8
“Nakagat siya ng aso tapos hindi sinabi sa amin,” ayon sa ama.