Pinugutan, isinako


ISANG katawan na walang ulo ang nadiskubre sa bakanteng lote sa Camarin, Caloocan City nitong Lunes.


Ayon sa pulisya, pinutol din ang kanang hinlalaki ng biktima, na natagpuan sa loob ng sako.


Inilarawan ang biktima na may taas na 5’5″, nasa pagitan ng 30 at 35 taong-gulang, at may tattoo ng dragon sa likod.


Naniniwala ang pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lang sa lugar upang lituhin ang imbestigasyon.


Sinabi ng hepe ng Caloocan Police Station 11 na si Maj. Alan Apa na hindi rin kakilala ng mga taga-Camarin ang biktima.


“Ibig sabihin, hindi ito tagarito. Talagang itinapon lang dito ‘yung victim,” ani Apa.