Isko sa pamilya: Makakabawi na ako

IBINAHAGI ni dating Manila Mayor Isko Moreno ang picture kasama ang kanyang pamilya sa unang araw niya bilang private citizen.

“Sa 24 na taong paglilingkod ko sa bayan, naisantabi ko ang aking responsibilidad bilang ama sa aking pamilya dahil inuna kong tugunan ang mandato na ipinagkaloob sa akin ng taumbayan,” post ni Isko.

“[M]akababawi na ako sa lahat ng sakripisyo na buong-puso at walang pagtutol na pinagdaan ng aking pamilya,” dagdag pa niya.