Doris Bigornia isinugod sa ospital; anak humihingi ng dasal, tulong

HUMIHINGI ng tulong pinansyal at dasal ang anak ng brodkaster na si Doris Bigornia, na isinugod sa ospital dahil sa impeksyon nitong Huwebes, dalawang buwan makaraan nitong sumailalim sa open heart surgery.


‘We are knocking on everyone’s kind and generous hearts to help us in raising funds for mommy’s hospitalization,” ani Nikki Bigornia sa Twitter.


“Any help will go a long way, even a retweet will do. Thank you and may God bless everyone,” dagdag niya.


Inihayag ni Nikki na nasa ospital ang kanyang ina para sumailalim sa series of procedures bunsod ng impeksyon.


“Sa mga nakaka-miss kay mommy
@DorisBigornia sa SRO, nasa ospital po ulit siya. Nagkaroon po ng infection. May series of procedures siya in the coming days kaya we are asking for your prayers once again. Maraming salamat po!” ayon sa kanya.


Matatandaang inatake sa puso si Bigornia noong Pebrero at sumailalim sa triple heart bypass surgery.


Matapos ang operasyon ay isiniwalat ng brodkaster na kailangan din niya ng regular na dialysis para naman sa kanyang sakit sa bato. Meron din siyang diabetes.