Dagdag-bawas sa presyo ng langis ipatutupad sa Martes

MAGPAPATUPAD ang mga kompanya ng langis ng dagdag-bawas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo sa Martes.

Inaasahang bababa ang presyo ng diesel mula 60 hanggang 80 sentimo kada litro habang magtataas naman sa presyo ng gasolina mula 70 hanggang 90 sentimo.

Ngayong Linggo bumaba ang presyo ng diesel ng P1.85 kada litro, samantalang 40 sentimo naman sa kada litro ang bawas presyo sa gasolina at P1.30 kada litro sa kerosene.