Kiray: Deserve ko ng P500K above na engagement ring

ALAM ng komedyanang si Kiray Celis ang kanyang worth bilang babae.

At bilang babae, alam din niya halaga niya bilang girlfriend sa kanyang nobyo na si Stephen Estopia.

Kaya kung sakaling aalukin siya ng kasal ng boyfriend, kailangan ay may mahal sa P500,000 ang kanyang engagement ring.

“Pag nagmo-mall kami, nagtitingin na siya ng mga diamond ring. Sabi ko, ‘Hindi ako bababa sa PHP500,000. Kailangan, mas mataas’,” sey ni Kiray sa isang panayam.

“May trabaho naman siya. So, galingan niya, ‘no? Sa tagal-tagal na panahon na hindi ako nag-boyfriend, tapos ‘yun lang pala ‘yung hinintay ko, di ba?” dagdag niya.

“Pero alam niya na deserved ko. Nagtingin-tingin na siya. Naririnig-rinig ko, pero natatawa lang ako sa kanya. Ang hirap naman mag-assume pero napapag-usapan naman namin. Ang sarap sabihin na ramdam mo kapag tamang tao para sa ‘yo,” sey pa ng Kapamilya comedienne.