Michael V. sinopla bashers ng ‘Voltes V Legacy’

BINUTATA ni Kapuso comedian Michael V. ang mga netizens na bina-bash ang trailer ng “Voltes V Legacy” ng kanyang home network.

Sa Facebook, sumulat ng mahabang hanash si Bitoy ukol sa ipinalabas na trailer ng nasabing series.

“Just finished watching the #VoltesVLegacy Mega Trailer… kinilabutan ako sa ganda! This is my childhood coming to reality!” sabi niya.

Dagdag niya na masaya siya sa mga positive comments ukol sa trailer.

“Pero s’yempre hindi mawawala ‘yung mga nagpapa-cool at naggagaling-galingang mga ignoranteng bashers. Kung hindi talaga kayo fan, wala nang magpapasaya sa inyo kahit sino at kahit kailan. Marami pa rin ang mga nagpapanggap at hindi matanggap na kaya nang gawin ‘to ng network with the right tools, right people and a ton of passion,” dagdag niya.

May hirit pa si Bitoy sa mga bashers: “Wala kahit isa sa inyo ang p’wedeng magnakaw ng saya na naramdaman ko nu’ng napanood ko ‘to. Happy 2023!’