Tagle special envoy ni Pope Francis sa Asian Bishops’ conferenceC

ITINALAGA ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle bilang kanyang special envoy sa gagawing ika-50 general conference ng Federation of Asian Bishops’ Conference (FABC) sa Oktubre 30.

Sa post ng CBCP News, sinabi nito na pangungunahan ni Tagle ang closing mass ng FABC conference na gagawin sa Assumption Cathedral sa Bangkok, Thailand.

Si Tagle ang kasalukuyang pro-prefect ng Dicastery for Evangelization.

Magsisimula ang nasabing komperensiya, na may temang “Journeying together as peoples of Asia…and they went in a different way”, sa Oktubre 12 sa Baan Phu Waan Pastoral Center ng Archdiocese ng Bangkok.